Bumagal ang pagkilos ng bagyong Egay sa Philippine Sea sa silangan ng Southeastern Luzon nitong Biyernes ng gabi, Hulyo 21, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa tala ng PAGASA nitong 11:00 ng gabi, namataan ang sentro ng bagyo 825 kilometro ang layo sa silangan ng Southeastern Luzon, taglay ang maximum sustained winds na 55 kilometer per hour at pagbugsong 70 kilometer per hour.

Mabagal itong kumikilos pa-kanluran hilagang kanluran.

Malayo pa naman umano ito sa kalupaan kaya’t wala pang direktang epekto sa bansa.

National

WALANG PASOK: Class suspension para sa Biyernes, Marso 7

Sa ngayon, wala pang naitatalang Tropical Cyclone Wind Signal ang PAGASA sa alinmang lugar dulot ng nasabing bagyo.

Inaasahan naman umanong lalakas ang Tropical Depression Egay at magiging Tropical Storm bukas, Sabado, Hulyo 22.

“It may reach peak at super typhoon category on Tuesday while over the Philippine Sea east of Extreme Northern Luzon,” saad pa ng PAGASA.