Hinirang ng Guinness World Records (GWR) ang 75-anyos na football player mula sa Australia bilang “world’s oldest competitive female football player.”

Sa ulat ng GWR, nagsimulang maglaro ng football ang 75-anyos na si Carol Askew noong 1984 sa edad na 37.

Ayon kay Carol, tuwing naglalaro siya ng naturang isport ay tila nakakalimutan niya ang kaniyang mga pangamba at problema sa buhay.

“It keeps me sane,” aniya sa GWR.

Human-Interest

Guro, nakatanggap ng manok, mga rekadong pantinola mula sa pupil

Naglalaro umano si Carol para sa Gymea United FC sa isang liga para sa kababaihang nasa mahigit 40 taong gulang. 

Sinabi rin ng 72-anyos na manlalaro na kadalasang may edad 43 hanggang 64 anyos ang kaniyang nakakalaro ng football. 

Masaya naman daw siyang nakabuo ng pagkakaibigan kasama ang kaniyang kapwa football players.

“The friendships I have made over the years have been incredible,” saad ni Carol.

“It keeps you young and can be challenging, but you know you’re alive and you keep coming back each week.”

Para naman mapanatili ang kaniyang magandang pangangatawan, nagpapatuloy umano si Carol sa paglalakad nang hindi bababa sa tatlong beses kada linggo, bilang karagdagan sa pagdalo niya sa weekly training sessions kasama ang kaniyang koponan.

Inihayag din 75-anyos na manlalaro na wala siyang balak tumigil sa paglalaro ng football na siyang nagbibigay umano sa kaniya ng kasiyahan.