Makakakuha na ng mabilis na serbisyo ang mga overseas Filipino worker (OFW) sa pamamagitan ng inilunsad na Department of Migrant Workers (DMW) Mobile Application at OFW Pass nitong Biyernes.

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang nasabing hakbang alinsunod na rin sa dedikasyon ng gobyerno na itaguyod ang kapakanan ng mga OFW.

Dahil na rin sa naturang mobile app, magiging madali na ang beripikasyon ng kanilang kontrata at aplikasyon para sa OFW Pass.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Sa kanyang talumpati, nanawagan din ang Pangulo sa mga ahensya ng pamahalaan, pribadong sektor, at iba pang may kaugnayan sa proyekto na siguruhin ang epektibong implementasyon nito.