Tila na-pisikal ang actress-vlogger na si Alex Gonzaga-Morada ng kaniyang Mommy Pinty matapos ang ginawang prank nito.

Sa Instagram post ni Alex nitong Huwebes, Hulyo 20, makikita sa video ang pagsayaw niya habang malapit kay Mommy Pinty, na walang kamalay-malay sa gagawing “invisible danger prank” sa kaniya.

Kinalauna’y bigla na lang sumigaw ng todo si Alex sa kalagitnaan ng kaniyang pagsasayaw na siyang ikinagulat ni Mommy Pinty.

Gigil much ang reaksiyon ni Mommy Pinty at ilang beses pinalo sa katawan si Alex at hinila pa ang buhok nito.

National

Maza kay VP Sara: 'Hindi ikaw ang bida dito kundi ang taumbayang kinauutangan mo!'

“Nagiging delikado buhay pag pinaprank ang @mommypinty 😂😂😂,” mababasang caption sa kaniyang post.

Kinaaliwan naman ng netizens ang naturang prank.

Akala ko dinorado bigas niyo sa bahay wagwag pala!”

“MUNTIK HUMIWALAY ULO MO SA KATAWAN MO!”

“Ang sarap ng ganyang mom and daughter relationship super real at masaya.”

“Galit na galit si mommy Pinty, nalimutan ata may cam. Hahahahaha!”

“Parang nanay ko lang ang bilis manakit!”

“Ramdam ko yung gigil ni mommy pinty sa sabunot eh hahahahaha dasurv daw charot!”

“Ang gigil ni mommy pinty!!”

Sa kabila nito, may ilang netizens din na nagbigay-komento na hindi umano nagustuhan ang ginawang prank ni Alex kay Mommy Pinty.

“Di na nakakatawa si Alex sumosobra na siya. OA na papansin!

“Salamat po sa pagsabunot. Naiganti nIyo ang maraming pilipino kay Alex.

“Not nice sa edad mo na yan nasasabutan ka pa ng nanay mo. Not nice at all. Hndi siya funny for me.”

“Hoy Alex magpakatino ka na nga hindi ka na bata may asawa kana kaya pwede ba ang landi mo.”

“Pag may edad na kasi  magugulatin na sila. Hindi lahat ng jokes mo nakakatawa!”

Samantala, hindi na bago kay Alex na gawing biktima si Mommy Pinty sa bawat prank niya mula pa noong nagsimula siyang mag-vlog.