Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakapanayam ni Ogie Diaz ang kontrobersyal na social media personality na si Joel Mondina o mas kilala bilang "Pambansang Kolokoy."

Isa sa mga napag-usapan nila ay ang bagong partner at baby ni PK, na ipinakita na niya sa publiko matapos ang naging hiwalayan nila ng dating misis na si Marites.

Pero paglilinaw ni PK, hindi ang singer-comedian na si Gladys Guevarra ang tunay niyang partner.

Ang mukbang vlog na inilabas nila noon ay collaboration lamang.

Pambansang Kolokoy, ipinakilala na ang 'special someone'

Marami raw nag-akalang si Gladys nga ang bagong babae sa kaniyang buhay, at ina ng kaniyang anak. Bagay na pinalagan naman din ng komedyante.

https://balita.net.ph/2023/01/14/chuchay-pumalag-sa-paratang-ng-mga-tsismosa-na-siya-ang-kabit-ni-pambansang-kolokoy/

Anang Joel, never pa niyang ipinakita sa kahit na anong vlog niya ang mukha o pagkakakilanlan ng kaniyang bagong pag-ibig.

Ginawa ito ng vlogger upang protektahan ang kaniyang bagong partner mula sa kritisismo ng mga tao. Ito raw kasi ang sinisisi ng followers niya kung bakit nauwi sila sa hiwalayan ni Marites.

"Yung wife ko ngayon, never siyang lumabas sa videos. Siya ang hinuhusgahan. Siya ang kawawa," pagtatapat ni Kolokoy.

"Minsan nga sumasama na yung loob niya. Sa tingin niya hindi ko siya kayang ipagtanggol."

"Iyon ang usapan namin palagi na hindi man lang daw ako mag-reply."

Hindi naman nilinaw ni Kolokoy kung kailan darating ang panahong kaya na niyang ipakilala sa publiko ang kaniyang bagong pamilya.