Ipatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang maximum tolerance laban mga raliyista na inaasahang dadagsa sa gaganaping State of Nation Address (SONA) ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. sa Hulyo 24.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Ito ang tiniyak ni PNP Spokesperson Col. Jean Fajardo sa isang television interview nitong Huwebes.

Inaasahan na aniya ng PNP ang isasagawang rally ng mga militanteng grupo na humiling na ng permit sa Quezon City government.

Magpapakalat aniya sila ng mga tauhan na magbabantay sa mga magpoprotesta na pinahihintulutan lamang na maisagawa ang kanilang programa sa ilang designated area.

Nauna nang tiniyak ng grupong Bayan Metro Manila na dadagsain ng mga raliyista ang ikalawang SONA ni Marcos.

Paliwanag ng secretary-general ng grupo na si Raymond de Vera Palatino, magtipun-tipon muna sa iba't ibang lugar ang mga raliyista bago sila magsasalubong sa Commonwealth-Tandang Sora Avenue sa Quezon City kung saan nila isasagawa ang programa.

Layunin aniya ng protesta na suportahan ang sektor ng paggawa sa panawagan nito na magkaroon ng dagdag na suweldo.