Nakakaloka ang isang  ulat na naungkat daw ng mga netizen ang kondisyon sa pang-amoy ni Kapamilya star Andrea Brillantes dahil sa isyu ng isang ex-boyfriend nitong hindi raw nagpapa-laundry ng mga damit sa loob nang isang taon.

Matatandaang sa vlog ni ABS-CBN news anchor Karen Davila, ni-reveal ni Blythe na wala siyang pang-amoy dahil sa health condition na tinatawag na "congenital anosmia."

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, ipinanganak na may anong bihirang kondisyon?

“Is it true? You’ve been diagnosed with congenital anosmia?” untag ni Karen.

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

"For those watching, it means this is rare disorder wherein Andrea does not smell, in the same way. Totoo ba ’to?”

“Wala po akong pang-amoy at all. Wala po talaga. As in pwede po akong ututan sa mukha,” tugon ni Andrea.

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, puwede raw ‘ututan’ sa mukha dahil wala namang pang-amoy

Sey ng mga netizen, baka kaya natiis daw ni Andrea ang amoy ng kaniyang di-tinukoy na ex dahil nga wala siyang pang-amoy.

"Kaya pala kahit isang taon di nagpapalaundry si (pangalan ng ex ni Andrea) di nya naaamoy hahahaha."

"HAHAHAHA di pala n'ya maamoy kaya laban lang..."

"So kaya di nagpalaundry ex nya ay kasi di naman nya naamoy..."

"Kaya naman pala natiis ni Blythe hahahaha."

"Kaya naman pala hahahaha..."

"Kawawang bata matagal na nagtiis sa busit na lalaking iyon... Pero doctor man ang father niya sana nabigyan man lang ng lunas..."

"Iyan ang literal na napagtiisan hahaha."

Bagama't wala namang tinukoy kung sinong ex, marami ang naniniwalang ang recent ex-boyfriend ni Blythe na si Ricci Rivero ang tinutukoy nito, bagay na hindi pa kinukumpirma ng aktres.

MAKI-BALITA: Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

Tikom naman ang bibig ng kampo ng Ricci tungkol dito.