Kinakiligan ng mga netizen ang Kapuso actor na si Luis Hontiveros matapos niyang ibida ang mga litrato para sa seryeng "Black Rider" sa GMA Network.

Nakasuot ng police uniform si Luis sa mga larawan, dahil sa kaniyang role sa nabanggit na proyekto na pagbibidahan ni Ruru Madrid. Kasama pa rito ang bagong Kapusong si Matteo Guidicelli.

Bukod sa kakisigan sa kaniyang suot na uniporme, bagong tabas din ang buhok ni Luis na bumagay naman sa kaniya.

Sa kaniyang Instagram post, sinabi ni Luis na grateful siya dahil nakasama siya sa cast ng serye.

Harana ni David Licauco sa Miss Grand PH, naokray; Luis Hontiveros, 'nakaladkad'

"Kilalanin si Philip Romero, at kung ano ang magiging papel nya sa buhay ni Elias. #BlackRider."

"New role means new hair. Grateful to be part of this exciting & action packed serye soon to be aired on GMA," anang Luis.

Dinagsa naman si Luis ng kaniyang mga tagahanga, na biro pa'y nais magpahuli at magpakulong sa kaniya!

"Arrest me po..."

"Yung tipong you will commit a crime just to be arrested by this officer..."

"Hulihin mo po ako, hindi ako papalag..."

"Hulihin mo na ako, ikulong at barilin mo 'ko baka naman..."

"Gwapulis!"

"Ikulong mo po ako sa puso mo..."

Kamakailan lamang ay naging trending si Luis matapos ang kaniyang performance ng "Jopay" sa Miss Pagadian 2023.