Takbo na sa pinakamalapit na lotto outlet dahil papalo na sa halos ₱50 milyon ang jackpot prize ng Ultra Lotto 6/58 na bobolahin ngayong Biyernes, Hulyo 21. 

Sa inilabas na jackpot estimates ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO), papalo sa ₱49.5 milyon ang papremyo ng 6/58 habang nasa ₱8/9 milyon naman ang Mega Lotto 6/45. 

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

May be an image of 1 person and text

Nauna nang sinabi ni PCSO General Manager Mel Robles na walang talo sa pagtaya ng lotto dahil sa halagang ₱20 lamang ay magkakaroon na ng pagkakataong maging susunod na milyonaryo, at makakatulong pa sa kawanggawa.

Ang Ultra Lotto ay binobola tuwing Martes, Biyernes, at Linggo at kada Lunes, Miyerkules, at Biyernes naman ang Mega Lotto.