Pinangunahan ni Vice President Sara Duterte ang pamamahagi ng halos ₱10 milyong cash assistance sa mga inilikas na pamilyang apektado ng pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Ang ipinamahaging tulong nitong Miyerkules ay bahagi ng Emergency Cash Transfer (ECT) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Nasa 405 ang benepisyaryo ng ECT, ayon sa DSWD Bicol regional office.

National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kabilang sa nakinabang sa nasabing programa ang mga residente ng Daraga, Sto. Domingo, Camalig at Tabaco City.

Ang mga naturang pamilya ay tumanggap ng tig-₱24,660 na katumbas ng dalawang bugso ng kanilang financial aid, ayon pa sa DSWD.