Viral ang social media post ng isang graduating public health student mula sa University of the Philippines-Manila na si "Lyder Kyle Dimaapi" matapos niyang ibahagi ang kaganapan ng kaniyang "manifesting" noong 2020 na makapagtapos ng summa cum laude sa kaniyang pag-aaral.

Ibinahagi ni Lyder ang kaniyang tweet noong Hulyo 21, 2020 kung saan sinabi niyang nagbabasa siya ng Facebook posts ng UP tungkol sa kanilang summa cum laude graduates.

https://twitter.com/lyderkyle/status/1285591397580431360

"Lord gusto ko rin po huhu," ani Lyder.

National

Meralco, may dagdag-singil sa kuryente ngayong Setyembre!

https://twitter.com/lyderkyle/status/1681280699058511873

Makalipas ang tatlong taon, masayang-masaya si Lyder nang makatanggap ng email na nagsasabing kuwalipikado siya sa pagka-summa cum laude sa kanilang commencement exercises sa Agosto.

"Ngayon ko lang nakita tong tweet ko nung freshie ako. Pag nangarap ka, taasan mo na," aniya sa kaniyang tweet noong Hulyo 18, 2023.

"Saka na yung sablay pic after graduation haha."

Sa eksklusibong panayam ng Balita kay Lyder, talagang pinagsumikapan niyang maabot ang kaniyang minanifest noong 2020.

"Manifesting is just a small part lang ng big win na ito. Malaking tulong din na in all the things I do, lagi kong sinasabi na mahirap pero kakayanin kaya ‘eto mahirap pero kinaya naman haha," aniya.

Kaya mensahe niya sa mga kagaya niyang nagma-manifest sa buhay, "Naniniwala naman ako na lahat ng achievements and successes in life, nagsimula sa munting pangarap."

"Kaya don’t be afraid to dream big. One day it’s going to be worth it."

Magmamartsa si Lyder bilang UP summa cum laude graduate sa Agosto 7, 2023.

Congrats, Lyder! Patuloy pang mag-manifest sa buhay!