Na-call out ng aktres na si Ellen Adarna ang isang lokal na pahayagan matapos umanong mag-headline at caption ng misleading na balita tungkol sa kaniya.

Ibinahagi ni Ellen ang screenshot ng online news site na may mababasang headline na "Basta i-follow lang daw siya... ELLEN MAMUMUDMOD NG TAYLOR SWIFT CONCERT TICKETS SA FANS."

Nilagyan ito ng text caption ni Ellen.

"The nerve of you guys to tag me with misleading captions. You guys claiming that you are 'boses ng Pinoy' put us Pinoys to shame. You can do better. Misleading write ups are so low. Lakas n'yo maka-false advertising," aniya.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

Sa kabilang banda ay nagawa pang magbiro ng misis ni Derek Ramsay.

"But thank you though, at least maganda ako sa photo na pinili n'yo. Yan na lang. At least nagawa n'yo maayos mamili in that area LOL."

Photo courtesy: Ellen Adarna's IG)

Sa isa pang IG story, ibinahagi ni Ellen ang pagtutuwid ng isang netizen tungkol sa pagbabalita ng naturang pahayagan. Ayon sa naturang netizen, ang kailangang i-follow ay ang product na isponsor, hindi si Ellen.

Kaya banat ni Ellen, sana raw ay pagpahingahin ng newspaper company ang mga empleyado at manunulat para hindi "sabaw."

Photo courtesy: Ellen Adarna's IG)

Samantala, batay pa rin sa IG story ni Ellen ay itinuwid na ng nabanggit na lokal na pahayagan ang sinita niyang headline at caption, subalit sinita rin siya nito sa paggamit ng maliit na letra sa salitang "Pinoy" at pangalan ng nabanggit na pahayagan.

Nagpasalamat pa ang taga-pahayagan sa pag-call out ni Ellen dahil inaalagaan daw nila ang kanilang kredibilidad.

Katwiran naman ni Ellen, hindi grammar ang isyu kundi ang "mistakes" sa pagbabalita.

Photo courtesy: Ellen Adarna's IG)

Kaugnay pa nito, muling inungkat ni Ellen ang naging isyu niya noon sa nabanggit na pahayagan, matapos umanong mai-ulat na hindi niya raw ipinagamit ang apelyido ni John Lloyd Cruz sa anak na si Elias sa wedding invitation nila ni Derek.

Ngunit ipinakita ni Ellen na ang nakalagay na pangalan ni Elias sa imbitasyon ay "Elias Modesto Adarna Cruz."

Photo courtesy: Ellen Adarna's IG)