Sa gitna ng mas umiinit at tumitinding labanan ng noontime shows, nalagpasan ng bagong “Eat Bulaga” ang “E.A.T” ng TVJ at “It’s Showtime” sa ratings, base sa datos ng AGB Nielsen nitong Hulyo 19.

Base sa inilabas na datos ng AGB Neilsen para sa July 19 ratings, nanguna ang “Eat Bulaga” na may 4.12 porsyento sa Nationwide Urban Television Audience Measurement (NUTAM) kumpara sa 3.79 na porsyento ng “E.A.T” sa TV5 at 2.76 na porsyento ng “It’s Showtime” sa A2Z at GTV.

Doc Willie Ong, na-touch sa mensahe ni VP Sara sa kaniya

Dahil dito, nagpasalamat si dating Manila Mayor at “Eat Bulaga” host na si Isko Moreno Domagoso sa mga viewers na patuloy umanong naniniwala sa kanila. 

“Una maraming salamat sa Diyos! Maraming salamat sa ating mga viewers sa pagtitiwala nila samin mga baguhan host ng eat bulaga, maraming salamat sa production staff and creatives ng tape inc.,” saad ni Domagoso nitong Huwebes, Hulyo 20 sa kaniyang Facebook page.

Nagpasalamat din ang TV host sa GMA Network na patuloy na sumusuporta sa kanilang show. Nangako rin siya na pagbubutihin pa nila ang kanilang trabaho para makapaghatid ng tulong at saya.

“And maraming salamat sa Gma7 kapuso sa patuloy na pagsuporta nila sa Show. Sa maliit naming kaparaanan pagbubutihan pa po namin na araw araw na makapagdulot ng #TulongAtSaya sa mga kapuso natin sa buong bansa at buong mundo. Muli walang hanggang pasasalamat sa lahat,” pagtatapos ni Domagoso. 

Si Domagoso ay ganap nang isa sa mga regular hosts ng “Eat Bulaga” matapos pumirma ng long term contract sa TAPE, INC..

Maki-Balita: Paolo Contis, Isko Moreno pumirma ng long term contract sa TAPE