Ginulat ni Kapuso star Bea Alonzo ang kapwa celebrities at netizens nang inanunsyo niya ang engagement nila ng boyfriend na na si Dominic Roque.

Ibinahagi ito ng aktres sa kaniyang Instagram post nitong Miyerkules, Hulyo 19.

Kuwento ng 35-anyos na aktres, nangyari ang proposal noong Martes, Hulyo 18, habang nagsho-shoot para sa isang proyekto. Sinabi raw ng photographer na si Mark Nicdao na tumalikod siya, at nang sinunod niya ito, nakita niyang nakaluhod na si Dominic hawak ang isang kahon na may lamang singsing.

Naganap ang pagluhod ni Dominic sa Las Casas Filipinas de Acuzar sa Bataan.

Bea Alonzo at Dominic Roque, engaged na!

Paglalarawan ni Bea, marami na siyang nagawang proposal scenes pero iba pa rin daw pala ang tunay na emosyon kapag nangyari na ito sa totoong buhay.

"You see, I have done so many proposal scenes in my entire career, but nothing beats the real thing. I have been doing it all wrong! Hahaha," anang Bea.

"Dom said his speech, and it’s like time stood still. Everything went in slow motion. And I felt different emotions all at the same time—joy, excitement, love. I started bawling (swipe to see my ugly cry 🤣), But I didn’t want that moment to end. I want this real thing to happen forever… and right then there… In front of the people we love… we decided on forever.. 💍."

View this post on Instagram

A post shared by bea alonzo (@beaalonzo)

Makikita naman sa comment section ang congratulatory message ng biggest stars sa industriya, Kapuso man, Kapatid o Kapamilya, gaya nina Vice Ganda, Ivana Alawi, Andrea Brillantes, Maja Salvador, Catriona Gray, Jolina Magdangal, Heart Evangelista, Angelica Panganiban, Marco Gumabao, Rica Peralejo, Kristine Hermosa, Maymay Entrata, Nicole Cordoves, Jak Roberto, Carlo Aquino, at Anne Curtis.

Maging ang netizens at followers ng "BeaDom" ay naging masaya rin para sa dalawa.