Kinokonsidera ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gawing santo ang 13-anyos na si Niña Ruiz-Abad na nasawi noong 1993.

Ayon sa pahayag ng CBCP nitong Miyerkules, Hulyo 19, nasawi si Abad dahil sa uri ng sakit sa puso na tinatawag na “hypertrophic cardiomyopathy.”

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Gayunman, sa maikling panahon na nabubuhay, nagpakita umano ito nang malalim na pananampalataya sa Diyos na naging dahilan upang i-konsidera ito gawin bilang santo.

Noong nabubuhay pa raw si Abad namimigay ito ng mga rosaryo, Bibliya, prayer books, at iba pang bagay na patungkol sa Diyos.

“During her time, it is unusual that a young girl had already done acts to evangelize others,” saad ni Bishop Renato Mayugba ng Diocese of Laoag.

“Niña’s life was a prayerful life full of reverence, worship and intimate relationship with God, Jesus Christ, the Holy Spirit and to the Blessed Virgin Mary,” dagdag pa nito.

Sa katatapos na plenary assembly ng episcopal conference sa Diocese ng Kalibo, iprinisenta ni Mayugba sa mga obispo ang kahilingang gawing santo si Abad— na agad ding inaprubahan ng mga obispo. Dahil dito, maaari nang simulan ang pormal na pagsisiyasat at pagkuha ng impormasyon tungkol kay Abad kabilang ang pakikipanayam sa mga nakakikilala sa kaniya.

Naniniwala si Mayugba na magiging modelo ng “piety at fortitude” si Abad para sa mga kabataan ngayon.

“Knowing Niña’s character and traits and her strong faith in God will serve as a guide to the youth in handling their affairs towards a better Christian life,” anang obispo.

“If one asks, ‘Do you know Niña Ruiz Abad?’ The answer would be, ‘That’s the girl who always wore a rosary. The girl who loved to pray. The girl who loves God so much,'” dagdag pa niya.

Gayunman, sinabi ng CBCP na maaari pang tumagal ng ilang taon bago ang posibleng desisyon mula Roma tungkol sa beatification at canonization ni Abad.

Si Abad ay ipinanganak noong Oktubre 31, 1979 sa Quezon City ngunit lumipat ang kaniyang pamilya sa Sarrat, Ilocos Norte noong Abril 1988 dahil sa trabaho ng kaniyang mga magulang. Pumanaw ang kaniyang ama noong tatlo taong gulang pa lamang siya.

Nakapagtapos ng elementarya si Abad at nagpatuloy sa kaniyang unang taon sa high school sa Mariano Marcos State University Laboratory School. Lumipat siya sa Holy Spirit sa Quezon City noong 1993 dahil sa trabaho ng kaniyang ina.

Noong Agosto 16, 1993, inatake sa puso si Abad at doon na siya pumanaw. Inilibing siya sa isang pampublikong sementeryo sa Sarrat, Ilocos Norte.