Marami ang na-shookt sa naging rebelasyon ng nagbabalik-showbiz na si Janice Jurado hinggil sa naging affair daw nila ng pumanaw na "King of Philippine Movie" na si Da King Fernando Poe, Jr. o FPJ.

Sa isang panayam ng pahayagan, na-ispluk ni Janice na nakarelasyon niya si FPJ sa loob ng pitong taon.

Kamakailan lamang ay na-interview ng press si Janice dahil sa comeback movie nila ni Sabrina M na "Manang" kasama rin sina Julio Diaz at Tess Tolentino.

Alam daw ito ng yumaong misis ni FPJ na si "Queen of Philippine Movie" Susan Roces.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Rebelasyon pa ng aktres, tila nagsilbing piping saksi sa kanilang patagong relasyon ang "kuwadra" o sa bahay (hindi tinukoy nang tiyak kung kaninong bahay).

Naikuwento raw ni Janice sa anak ni FPJ na si Lovi Poe ang namagitan sa kanila ng tatay nito. Magkasama sila ngayon sa seryeng "FPJ's Batang Quiapo."

Wala raw reaksiyon si Lovi sa kaniyang ipinagtapat. Pinuri din ni Janice si Lovi sa kabaitan nito.

"Kinuwento ko talaga sa kaniya," ani Janice.

"Anong reaksiyon niya?" tanong ng interviewer.

"Wala! Napakabait na bata ni Lovi."

Lagi raw silang magkakasama nina Lovi at Toni Fowler sa isang kuwarto at eksena kaya napalapit si Janice kay Lovi.

Pag-amin din ni Janice, may mga nakarelasyon din siyang politiko at artista noon na may mga asawa rin.

Pakiusap naman ng mga netizen na sana raw, huwag nang ungkatin pa ang past lalo na kung wala na sa mundo ang involved, dahil hindi na raw nila maipagtatanggol pa ang kanilang mga sarili.

Kagaya na lamang sa ginawang pasabog ni Sabrina M patungkol sa kanila ni Rico Yan kamakailan, na pinutakti rin ng iba't ibang reaksiyon.

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, at pahayag ang kampo ni FPJ o ni Lovi hinggil sa isyu. Bukas ang Balita sa kanilang panig.