National

Nancy Binay, nilinaw na 'di kaaway ang kapatid na si Abby: 'Pamilya pa rin kami!'

Kinasuhan na ng Bureau of Customs (BOC) ang dalawang negosyanteng sangkot umano sa pagpupuslit ng illegal drugs sa magkahiwalay na insidente kamakailan.

Sa Facebook post ng BOC, hindi na nito isinapubliko ang pagkakakilanlan ng dalawang businessman na ipinagharap ng kasong kriminal sa Department of Justice (DOJ) nitong Huwebes.

Sa unang kaso, nahulihan ng 5,032 piraso ng ecstasy (₱8.554 milyon) ang nasabing negosyante sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) noong Disyembre 5, 2022.

Sa ikalawang kaso, nadiskubre naman ng mga tauhan ng BOC ang ketamine na nagkakahalaga ng ₱2.120 milyon sa package na idineklarang naglalaman ng mga kandila, sa UPS Warehouse Hub, Port of Clark noong Mayo 14, 2023.

Ayon pa sa ahensya, nahaharap na ng paglabag sa Republic Act 10863 (Customs Modernization and Tariff Act) at  Republic Act No. 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang dalawang pinaghihinalaang drug smuggler.