Pati ang news anchors ng "TV Patrol," flagship newscast ng ABS-CBN, ay curious at napag-usapan na rin ang naging rebelasyon ni Kapamilya star Andrea Brillantes hinggil sa dati nitong karelasyong hindi umano nagpapa-laundry sa loob ng isang taon.

Sa vlog ni Vice Ganda, bukod sa naka-chikahan niya ang isang Gen Z star, marami silang nagawa sa nabanggit na 20-minute vlog, kagaya ng bag raid at paglantak ng masasarap na food.

May titulo ang vlog na "Revelations ni Andrea Brillantes, ang Beshie kong Gen Z" kaya inasahan na talaga ang mga pasabog ni Blythe, lalong-lalo na pagdating sa kaniyang pinag-usapang pakikipaghiwalay sa karelasyon recently.

Isa nga sa mga ikinaloka ng lahat ay ang rebelasyon ni Andrea na parang "bakla" siya kung magmahal, dahil todo-tdo ang "givesung" niya pagdating sa kaniyang karelasyon.

Ex ni Andrea na hindi nagpapa-laundry nang isang taon, tinukoy ng netizens

Sinabi rin ni Andrea na napatutunayan niyang "tama" ang mga hinala niya sa mga dating nakarelasyon.

"Lagi akong tama!" pagdidiin pa ng aktres.

Sa hindi tinukoy at pinangalanang ex, nakapagpaluwal pa nga raw siya ng isang milyong piso, maisama lamang ito sa isang proyekto. Siya na raw ang nagbigay ng talent fee (TF) dito, na iniawas na sa kaniyang natanggap na TF.

Pero pinagpiyestahan ng mga netizen ang nasambit na sagot ni Andrea nang usisain siya ni Vice kung paano siya mag-move on.

Anang Blythe, iniisip na lamang niya ang mga nakaka-turn off na bagay sa hiniwalayang karelasyon.

“Gusto ko lang sabihin, minsan, kung hirap kang mag-move on, kailangan mo talagang isipin ang mga bagay na, ‘Talaga ba? Iiyakan ko ba ‘yung lalaking hindi nagpapa-laundry nang isang taon?’" ani Andrea na ikinawindang rin ni Vice at napasuklay na lamang sa kaniyang buhok.

Bagama't walang pinangalanan, wala ring tinukoy kung dati o recent lang, o kaya naman ay "halimbawa" lamang ang nasabi at hindi naman talaga deskripsyon ng isa sa mga ex, iisang pangalan lamang ang naiisip ng mga netizen kung sino raw ito.

Si Ricci Rivero!

Going back to ">TV Patrol noong Hulyo 17, 2023,  ikinawindang din ng anchors nito na sina Bernadette Sembrano, Alvin Elchico, at Kabayan Noli De Castro ang naging ulat tungkol dito ni Star Patroller Gretchen Fullido.

Sa nabanggit na ulat, sinubukan daw nilang kunin ang panig ni Ricci Rivero tungkol dito, subalit tumanggi na raw ang handlers nito na magsalita pa ang basketball star player.

Napag-usapan nila kung paano raw nangyaring isang taong walang pa-laundry ang tinutukoy na ex-jowa ni Blythe.

Napatanong si Alvin kung "side A o side B" ba ang ginawa nito, ibig sabihin, binabaligtad lamang ang mga saplot kung malinis pa naman.

O baka naman daw naiwan lang sa trunk ng kotse, anang Bernadette. Baka hindi naman daw "bahuin" ang may-ari kaya hindi nagpapa-laundry.

Sey naman ni Kabayan, baka naman naglalaba ng kaniyang sariling mga damit ang nabanggit na ex. Pero may birong hirit pa ang batikang mamamahayag na ikinatawa nila.

"Baka naman ang kaniyang mga damit eh wash and wear? Or never wash, just wear."

"Baka disposable," pigil ang tawang sabi ni Bernadette.

"Iyan ang hirap kapag nag-away kayo pati sikreto mo ibubulgar," tila realisasyon ni Kabayan, na tumutukoy sa hiwalayan ng isang magkarelasyon.

Sabi naman ni Alvin, hintayin na lamang ang sagot kung may papalag sa isa sa mga naging ex ni Andrea.