Ibinunyag ng Kapuso actor na si Sef Cadayona sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ang dahilan ng pag-alis sa programang “Bubble Gang.”

Sa panayam kay Sef, napag-usapan nila ni Tito Boy ang hindi niya na pagiging bahagi ng Bubble Gang family.

Itinanong sa kaniya ni King of Talk kung anong dahilan ng kaniyang pag-alis sa naturang programa.

“Pero hindi ka na bahagi ng Bubble Gang, bakit?” tanong ni Tito Boy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Direkta naman itong sinagot ni Sef.

“Tito Boy, actually hindi naman po ako nawala, nandito pa rin po ako, kung kailangan n’yo po ako, nandito pa rin po ako. But for me, it was I think for me, it was my time to graduate and to look into different sight ng buhay ko,” aniya.

“Going back months before actually, gusto ko nang… ayaw ko nang mag showbiz. I don’t know, kung sa damdamin lang, parang hindi ko nakikita na nagsa-shine ulit ‘yong talent ko,” dagdag pa niya.

“Can I be very honest? Ayaw mo na dahil hindi ka nabibigyan ng karapat-dapat na mga papel, that you’re not giving chances. Ayaw mo because that you’re not happy anymore, that you could be more effective somewhere?” follow-up questions ng King of Talk.

“In a sense yes, nang hindi showbiz,” aniya.

“Because you’re not stable in show business?” pasundot pang tanong ni Tito Boy.

“Hindi rin po sa hindi stable sa showbiz, more on sa akin po, iniisip ko, okay pa ba ako, okay pa ba ako dito. I mean, nagagampanan ko pa ba ‘yong role ko,” ani Sef.

Sa huli, ibinahagi rin ni Sef ang kaniyang naging pinagdaanang pagdedesiyon.

“‘Yon nga po Tito Boy, going through the months noong decisions ko, lalo na noong nakausap ko sila Tita Bang, sila Ms. Cecile, nakita ko po ‘yong pagmamahal nila.

Sa kabila nito, dahil sa mga huling katanungan sa kaniya ni Tito Boy, kumpirmado pa rin siyang mananatili bilang Kapuso actor.

Matatandaan namang produkto si Sef ng reality talent show na “StarStruck” Season 5 ng GMA Network noong Nobyembre 2009 hanggang Pebrero 2010.