Sinagot ng actor-chef na si Marvin Agustin sa morning talk show na “Magandang Buhay,” kung bakit hindi siya pumunta noon sa kasal ng dating ka-love team na si Jolina Magdangal.

Sa episode ng morning talk show nitong Martes, Hulyo 18, mismong si Jolina ang nagtanong sa aktor kung bakit hindi ito pumunta sa kasal niya noon.

“Pero mayroon akong tanong. Bakit hindi ka umattend noong wedding, kahit na binigyan kita ng invitation?” tanong ni Jolina.

Tapat naman itong sinagot ni Marvin.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Parang pakiramdam ko noon, alam ko magiging masaya ako kasi magiging parte ako ng masayang okasyon na ‘yon for you and for Mark,” aniya.

“Pero parang gusto kong, alam mo naman showbiz, marami silang perception na, masaya tayo, kilig tayo, ayaw kong i-diminish ‘yong kilig at ‘yong atensiyon sa inyong dalawa ni Mark. Kasi kahit papaano, mapapatingin sila sa akin eh wala naman akong kinalaman doon sa kaligayahan na sine-celebrate that moment,” dagdag pa niya.

Dagdag pa ng aktor, ginawa niya ‘yong desisyon na ‘yon, para mas ibigay talaga ang moment na iyon kay Jolina at sa kaniyang asawa.

“So, it was a decision from my end na ibigay talaga ‘yong moment at highlight,” ani Marvin.

Samantala, nagkaaminan naman sina Marvin at Jolina ng kanilang nararamdaman noon sa isa’t isa.

MAKI-BALITA: https://balita.net.ph/2023/07/19/jolina-at-marvin-aminadong-na-fall-noon-sa-isat-isa/