Diretsahang binanggit ng actress-vlogger na si Ivana Alawi ang pangalan ng Kapuso star na si Barbie Forteza, bilang pinakamabait niyang nakatrabahong GMA artist.

Sa YouTube video ni Ivana nitong Martes, Hulyo 18, itinanong kung sino para sa kaniya ang isang GMA artist na pinakamabait niyang nakatrabaho.

“Nicest GMA artist you worked with?” tanong ng nasa likod ng camera.

Direkta naman itong sinagot ni Ivana.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Si Barbie Forteza, hindi ko siya malilimutan,” aniya.

“Kasi, maraming maldita sa akin noong nag-start pa lang ako sa GMA, as in maraming masusungit. Ayaw kaming bigyan ng pwesto, ayaw din kaming bigyan ng pagkain, tapos sinusungitan kaming mag-ina, basta marami,” dagdag pa niya.

Dito niya ulit binanggit ang pangalan ng Kapuso star.

“And then, pinaka naging mabait sa akin na hindi ko malilimutan, hindi ko pa siya nakakausap after, pero si Barbie Forteza,” ani Ivana.

“Kasi siya’y sobrang bait, totoo talaga siya. Kaya super blessed niya because she really has a good heart,” huling chika ni Ivana.

Mapanonood sa kaniyang YouTube channel na “Ivana Alawi” ang kabuuan ng kanilang chikahan kasama ang kapatid na sina Hashim Alawi, Mona Alawi at ang nanay nilang si Fatima Marbella.