Muling pumirma ng kontrata ang tinaguriang “Hottest Social Media Star” na si Ivana Alawi sa ginanap na Kapamilya Contract Signing ng ABS-CBN ngayong Miyerkules, Hulyo 19, 2023.

Dumalo sa naturang contract signing sina, Mr. Carlo L. Katigbak, President and Chief Executive Officer ng ABS-CBN; Mr. Mark L. Lopez, Chairman ng ABS-CBN; Ms. Cory V. Vidanes, Chief Operating Officer for Broadcast ng ABS-CBN; Mr. Laurenti M. Dyogi, Head ng Star Magic; Mr. Perry Lansigan, Head of Entertainment Production; at Alan Real, Management Team ni Ivana.

Inawit naman ng singer na si Jed Madela ang “Akin Ka Na Lang,” bilang pagsalubong sa pagpasok ng aktres.

Matapos pumirma, nagbigay-mensahe ang Chief Operating Officer for Broadcast na si Ms. Cory kay Ivana.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Maraming maraming salamat Ivana sa patuloy mong pagbibigay tiwala at pagpapahalaga sa ABS-CBN, sa aming lahat at sa ating mga Kapamilya. I assure you that we will continue to take care of you and we will build an even stronger relationship as I promised. You and us and us with everybody else, with all our Kapamilyas,” aniya.

“Maraming salamat sa sinseridad and it’s comes to my heart. Sa sinseridad, sa pagmamahal at sa pagpili mong manatali kasama namin, sa pagbibigay saya, inspirasyon, pag-asa at serbisyo sa lahat ng Pilipino sa buong mundo,” dagdag pa niya.

Kitang-kita naman sa mata ni Ivana ang sayang naramdaman matapos mapanood ang inihandang video presentation ng Star Magic na makikitang nagbigay-mensahe ang kaniyang pamilya at ilang mga nakatrabahong artista sa industriya.

Sa kabila nito, nagbigay rin ng kaniyang pasasalamat si Ivana.

“Well right now, I am here where I am supposed to be and of course I have 3 things that I’m very very thankful for. Unang-una sa mga boss po natin dito sa ABS-CBN, maraming maraming salamat sa tiwala, sa suporta at sa pagmamahal niyo sa akin. Of course to my manager, Kuya Perry, Star Magic, Sir Loren, Kuya Allan, maraming salamat. Gusto ko rin pong magpasalamat sa lahat-lahat ng nagtiwala sa akin since day one, maraming salamat. Syempre sa mga hindi rin nagtitiwala sa akin, thank you. Of course, to my family and kay Lord na never akong pinabayaan, maraming-maraming salamat po,” ani Ivana.

Matatandaang unang pumirma ng kontrata bilang Kapamilya si Ivana noong Pebrero 2020.

Huling bumida ang aktres sa teleserye ng ABS-CBN na “A Family Affair” na pinagbidahan din nina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito  at Jameson Blake noong 2022.