Sumalang na rin ang Kapuso actress na si Camille Prats sa segment na “Luis Listens” sa YouTube channel ni Luis Manzano.

Sa panayam ni Luis, isa sa mga napag-usapan nila ni Camille ay ang tungkol sa kaniyang showbiz career.

Itinanong sa kaniya ng talk show host kung mayroon pa raw siyang gustong ma-achieve sa kaniyang pag-aartista.

“May gusto ka pa bang ma-achieve, with everything?” tanong ni Luis.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Tapat naman itong sinagot ng aktres.

“You know to be honest, Luis. Sobrang happy na ako at sobra din akong grateful na nabibigyan pa rin ako ng projects,” aniya.

“Kasi parang feeling ko, really, I mean para sa akin, it’s just something that I really love to do, and I’m grateful that I still get to do it at this point in my life,” dagdag pa niya.

Ikinuwento rin ni Camille ang kaniyang naging karanasan nang mapunta sa hosting.

“Kasi for a time, nawala ako sa acting, napunta ako sa hosting and I really loved it. Ang sarap makipag-usap, ang dami mong natututunan, ‘di ba, and at the same time parang you just meet different kinds of people and it’s teach you how to be flexible,” ani Camille.

Chika naman ng aktres na sobra niya ring na-miss ang pag-arte.

“But, on the other side, when I went back to acting, hindi ko na-realize kung gaano ko rin pala na-miss ‘to. Ang hindi ko lang talaga na-miss ‘yong hirap, ‘yong pagod, I mean ‘yon naman ‘yong laging kapalit noon eh. ‘Yong puyat, syempre ‘yong pagme-memorize, ‘yong emotion,” huling pahayag ni Camille sa nasabing topic.

Matatandaan namang nakilala si Camille sa mahusay niyang pagganap bilang “Sarah” sa pelikulang “Sarah… Ang Munting Prinsesa” na ipinalabas noong 1995.