Nagpapagaling na raw ang isa sa mga miyembro ng P-Pop all-male group na “BGYO” na si Gelo Rivera matapos itong aksidenteng masapul sa mukha ng pinasabog na confetti sa finale ng PPOPCON 2023, na ginanap sa Smart Araneta Coliseum noong Hulyo 14 hanggang 16, 2023.

Ayon sa ulat ng TV Patrol, aksidenteng nasapul ng pinasabog na confetti ang pisngi at mata ni Gelo, na inakala ng audience na nagbibiro lamang siya.

Kaagad naman siyang dinaluhan ng kapwa BGYO member na si Akira, at sumaklolo kaagad ang organizers at medic upang dalhin si Gelo sa ospital.

Ibinahagi pa ng ina ni Gelo ang mga larawan ng anak kung saan makikita ang mga paso at pasa sa kanang bahagi ng kaniyang pisngi at mata.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

"Sa ngayon I'm taking medicine from the doctor. And magpapa-check ako sa ophthalmologist. Maraming salamat po sa concern n'yo!" update ni Gelo batay sa ipinadalang audio message sa TV Patrol.

Bumaha naman ng pag-aalala at comforting message para kay Gelo hindi lamang sa mga kasamahan at kapwa artists kundi maging sa buong P-Pop community.

"We are very saddened to see BGYO Gelo suffer like this. We're praying for your fastest recovery, our Kapitan. Get well soon," mababasa sa fan-based Facebook page ng mga tagahanga ni BGYO Gelo.