"JakBie" o "BarDa?"

Inaabangan umano ngayon ng fans ng Kapuso actress na si Barbie Forteza kung sino ang makaka-partner ng aktres sa nalalapit na GMA Gala. 

Sa Twitter account ni Barbie, niretweet niya ang tweet ng @ShowbizBanter kung saan makikita ang larawan nina Barbie, Jak Roberto, at David Licauco. 

Batay sa caption, inaabangan umano ng fans ng tatlong showbiz personality ang red carpet walk ng kanilang idols. 

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

"Days before the #GMAGala2023, fans of #BarbieForteza, #JakRoberto & #DavidLicauco are anxiously waiting for the red carpert walk of their idols.

JakBie fans are expecting the real to walk together while legions of #BarDa fans don't want to be disappointed," ayon sa Twitter user na Showbiz Banter.

Sey naman ng aktres, hindi raw niya iniisip 'yon dahil nagpapagaling pa siya mula sa sakit dahil may trabaho pa raw siya bago ang GMA Gala na nakatakdang mangyari sa Hulyo 22.

"HAHAHAHA gusto ko yung ito na agad ang iniisip niyo. Samantalang ako, ginagawa ang lahat para magpagaling dahil may trabaho pa ko bago mag-Gala. not covid tho. Gumive up nalang talaga ang (sexy) body ko sa dami ng blessings this month. Amen," aniya.

Syempre bilang si Barbie nagawa pa nitong biruin ang netizens.

"Pero gusto ko tong mga paganto ha? It’s giving main character vibe! Nakakafretty, indeed! Char."

[embed]https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1681579565246988289[/embed]

 Kaya sa abangers diyan, abangan na lang ang GMA Gala sa Hulyo 22 na mapapanood sa opisyal na Facebook, YouTube at TikTok accounts ng Sparkle, 5 PM.