Sumagot si Barbie Forteza sa naging papuri sa kaniya ni Ivana Alawi matapos sabihin na siya ang pinakamabait na nakatrabahong GMA artist nito.

Sa latest vlog ni Ivana, itinanong sa kaniya kung sino ang GMA artist ang pinakamabait na nakatrabaho niya.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Si Barbie Forteza, hindi ko siya malilimutan,” aniya.

“...pinaka naging mabait sa akin na hindi ko malilimutan, hindi ko pa siya nakakausap after, pero si Barbie Forteza,” ani Ivana.

“Kasi siya’y sobrang bait, totoo talaga siya. Kaya super blessed niya because she really has a good heart."

Maki-Balita: Ivana Alawi, sinabing si Barbie Forteza pinakamabait na nakatrabahong GMA artist

Nang makarating ang part ng vlog na ito kay Barbie sa Twitter, nagpasalamat ito kay Ivana.

"Grabe naman to. Maraming salamat, @IvanaAlawi so happy for all your success. Ingat kayo ni Mona. Hi po tita!" sey ni Barbie.

[embed]https://twitter.com/dealwithBARBIE/status/1681581978544672768[/embed]

Natuwa rin ang mga fans sa sagot ng aktres.