Kinubra na ng isang 35-anyos na babae mula sa Cubao, Quezon City ang napanalunang ₱15.8 milyon sa Super Lotto 6/49 na binola noong Hunyo 15. 

Ayon sa kalatas ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) nitong Miyerkules, mahigit 11 taon nang tumataya sa lotto ang lucky winner. 

"Sobrang saya ko po habang nakikita ko na isa-isang binabanggit ng host sa live draw yung mga kumbinasyon na nasa ticket ko. Napakaswerte ko po dahil naranasan ko itong pangyayaring nababasa at nababalitaan ko lang noon. Maraming salamat po, PCSO," saad ng lucky winner sa kaniyang panayam sa PCSO.

Eleksyon

COC Filing DAY 5: Mga naghain ng kandidatura ngayong Oktubre 5

Matagumpay niyang napanalunan ang ₱15,840,000 dahil nakuha niya ang winning combination na 19-03-45-22-42-32.

Gagamitin ng lucky winner ang napanalunan sa kaniyang negosyo. Hinimok din niya ang publiko na patuloy tangkilikin ang lotto games at iba pang serbisyo ng PCSO.

“Sa public po, patuloy sana nating suportahan ang mga adhikain nila na makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng pagtangkilik natin sa lotto at iba pa nilang palaro,” anito.