Napa-react ang social media personality na si Rendon Labador sa ulat patungkol sa naging opinyon ng singer-comedian na si Janno Gibbs, hinggil sa viral video ng isang fan kay Broadway Diva Lea Salonga, kung saan pinagsabihan silang huwag basta-basta papasok sa loob ng dressing room upang magpa-picture.

Naiulat ng Balita na tila nasa panig ni Lea sa Janno na makikita sa sa kaniyang Instagram story; ibinahagi niya ang isang quote card na mababasa ang naging tweet ni Lea kaugnay ng isyu.

Komento naman dito ni Janno, "Nasa tama naman si Ms. Lea. Bawal talaga sa dressing room/backstage ang wala sa listahan."

Sa kabilang banda, sinabi ni Janno na sana raw, mas naging maayos ang pagsasabi ni Lea na huwag silang pumasok nang basta-basta sa dressing room.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sana lang nasabi niya (nang) mas maayos. Yung hindi mapapahiya ang fans. Sa akin lang naman," aniya.

Sa isa pang IG story, ibinahagi ni Janno ang viral video at nilagyan ito ng text caption na "Following protocols."

Mababasa naman sa comment section ng Balita ang naging komento ni Rendon para kay Janno.

"Nahiya lang si Janno sa'yo Lea, ang totoo niyan gusto niyang sabihin na 'bastos ka,'" aniya.

"Thank you bro Janno sa pag-stand up para sa mga fans."

"Akala ko dati tatanga-tanga ka, matalino ka pala," dagdag pa ni Rendon.

Photo courtesy: Richard de Leon/Balita

Sa kaniyang sariling Facebook account naman ay naglabas ng video ang social media personality at binanatan si Lea.

Katwiran ni Rendon, tatatlo na nga lang daw ang fans ni Lea, hindi pa niya pinagbigyan.

"Hindi kayo pwedeng api-apihin, Andito ako para i-tama ang mga nakikita kong mali #stayMotivated," aniya, na obviously ay nasa panig ng fans.

"Mensahe ko sa lahat ng artistang laos na, huwag kayong mag-attitude kasi sisitahin ko talaga kayo! #stayMotivated" dagdag pa niya.

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag sina Janno at Lea tungkol dito.