May mensahe ang pamilya ng namayapang Kapamilya actor na si Rico Yan sa mga "gumagamit" sa pangalan nito, na nag-ugat sa rebelasyon ng dating sexy star na si Sabrina M, na naganap naman sa media conference ng comeback movie nitong "Manang."

Ayon kay Sabrina M, nagkaroon sila ng lihim na relasyon ni Rico dalawang taon bago ito pumanaw noong Marso 29, 2002 habang nagbabakasyon kasama ang mga kaibigan sa Dos Palmas, Puerto Princesa, Palawan.

Nahingi ni Ogie Diaz ang panig ng pamilya ni Rico, lalo na ang kaniyang inang si Ginang Teresita Castro-Yan, sa pamamagitan ng kapatid ni Rico na si Bobby Yan. Binasa naman ito ni Ogie sa kaniyang "">Showbiz Update" vlog kasama ang co-hosts na sina Mama Loi at Dyosa Pockoh nitong Lunes, Hulyo 17, 2023.

“And we quote, ‘It has been 21 years since Rico passed on March 29, 2002. The pain of the family losing a son and a brother has been permanently etched into our being,'" pagbasa ni Ogie.

Sabrina M, hindi magpa-public apology; mukhang may balak ding kasuhan?

“The recent news swirling around Rico is very unfair. He is no longer around to give his comment, to either refute, or deny, or acknowledge the claims. It is not only unfair but disrespectful."

“I ask everyone concerned to please STOP using Rico’s name for their own individual purposes. Please leave Rico and us in peace."

“Sita Yan, Rico’s mother.”

Matatandaang kay Ogie nanggaling ang tsikang may plano raw magdemanda ang ex-partner ni Rico na si Claudine Barretto, matapos daw sabihin ni Sabrina na alam nitong nagkarelasyon sila ni Rico noon.

Giit pa ni Ogie, bukas ang panig ng kaniyang showbiz-oriented vlog sa panig ni Sabrina M.

Ang inaabangan ngayon ay kung mauuwi ba sa demandahan ang isyung ito, matapos daw magbanta ng legal counsel na si Atty. Ferdinand Topacio na kakasuhan daw si Sabrina kapag hindi ito humingi ng public apology sa loob ng tatlong araw.

Ayon naman daw kay Sabrina, walang magaganap na public apology at tila handa umanong makipagsagupaan ng demandahan kung sakaling matuloy ang banta ni Topacio.