Inamin mismo ng Kapuso actress na si Manilyn Reynes kay Diamond Star Maricel Soriano na never siyang nakaramdam ng takot sa aktres nang makatrabaho niya ito. 

Sa latest YouTube vlog ni Maricel, napag-usapan ng dalawang batikang aktres ang tungkol sa first impression sa isa’t isa. 

“Gusto ko magtapatan tayong dalawa. Ano ‘yong totoong impression mo sa akin at ano ‘yong totoong impression ko sa’yo, dali,” tanong ng diamond star kay Manilyn.

Sey ni Manilyn, hindi raw ito natakot sa aktres. 

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

“Hindi talaga ate, hindi talaga ako na-intimidate sa’yo. Hindi ako natakot sa’yo,” aniya.

“Eh kasi hindi kita tinakot,” sundot na sagot naman ni Maricel.

Sa kabila nito, nauwi naman sa taos-pusong pasasalamat ang kasagutan ni Manilyn sa aktres.

“‘Yon na nga, kasi hindi mo ako tinakot ‘di ba. Kaya nga magpapa-thank you talaga ako. Actually, hindi ko ito sinasabi sa iyo, never ko pang nasasabi sa’yo. Thank you talaga, from the bottom of my heart kasi ginawa mo ‘yong childhood days ko sa mundong ito ng showbiz nang hindi nakakatakot, wala akong fear,” aniya.

“Nagkaisip ako, namulat ako sa trabahong ito na nadyan ka na, ang daming naituro sa akin, at baon ko ‘yon ate, baon ko ‘yon,” dagdag pa niya.

Sa huli, ibinahagi rin ni Manilyn na dahil kay Maricel ay nagkaroon siya ng isang ate sa showbiz.

“At saka alam ko for some reason, I just know in my heart na kung napapanood mo ako, sasabihin mo sa akin kung hindi tama ‘yong ginawa ko o maganda ‘yong ginawa ko, o hindi, o may kulang. ‘Yon kasi ganon, at ganon ang tingin ko sa’yo, nagka-ate talaga ako,” huling sey ni Manilyn sa nasabing topic.

Matatandaan namang maraming pinagsamahang pelikula sina Manilyn at Maricel tulad na lang ng Batang Quiapo, Minsan May Isang Ina, Super Inday and the Golden Bibe at marami pang iba.

[embed]&t=759s[/embed]