May pahayag muli si Kris Aquino hinggil sa paghihiwalay nila ni Batangas Vice Governor Mark Leviste. 

Sa Instagram ni Kris, nagkaroon siya ng panibagong update hinggil sa paghihiwalay nila ni Leviste.

Aniya, hindi raw siya nagsinungaling nang sabihin niyang mahirap ang isang long-distance relationship at nakita rin niya na marami pang obligasyon si Leviste sa nasasakupan nito sa Batangas.

"I gave you a cleansed version of why I ended my relationship with Marc. I didn't lie when I said a long distance relationship is difficult. But I saw he has many dreams left to fulfill and many obligations to the people who gave him their vote," ani Kris sa kaniyang post ntiong Lunes, Hulyo 17.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Sadly, I'm in the battle of my life precisely because I'm doing all I can to save my life because my 2 sons still need me. I'm realistic enough that Marc has a life beyond trying to help take care of me," saad pa niya. 

Humingi rin siya na paumanhin sa pagiging makasarili niya. Ayaw rin niyang magdagdag pa ng stress kapag nakikita umano niya ang mga post ni Leviste na nagsasaya habang siya ay nagdurusa.

"I apologize for seeming selfish but why will I add stress in my life when I see his posts enjoying himself when I am suffering 8,000 miles away? If we had tried to stay together as a couple, the ending would be the same," paliwanag ng aktres.

"Tao rin ako na mapipikon at magtatampo dahil mararamdaman kong hindi ba niya naisip ang hirap na pinagdadaanan ko?" dagdag pa niya.

Sa sumunod pang bahagi ng post, naramdaman ni Kris na hindi pa umano handa ang dating kasintahan sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama siya, na tinatanggap ang realidad na buhay niya ay pinahiram na oras lamang ng Diyos.

"Kaya minabuti ko nang sa akin na manggaling kasi nakita at naramdaman kong hindi siya handa sa responsibilidad ng seryosong relasyon kasama ang isang babae na tinatanggap ang realidad na yung buhay niya ngayon ay pinahiram na oras lamang ng Diyos," pagpapatuloy pa ng aktres.

Pareho rin daw silang may karapatang mabuhay sa paraan na pinakapayapa ang kanilang puso. 

"Pareho kaming may karapatan na mabuhay sa paraan na pinakapayapa ang mga puso namin. I'm keeping my word that he will never read nor hear me saying anything negative about him because what for? We're not enemies, we just weren't meant for each other." 

Samantala, nag-komento rin si Leviste sa nasabing post ni Kris: "Love, love, love you-all"

Matatandaang noong Hulyo 10 ay isiniwalat ng aktres na hiwalay na sila ni Leviste.

“We may not have had our ‘happily ever after’ but being sick has really taught me to look at the glass half full- thank you for giving me the chance to again experience the magic of Once Upon a Time,” mensahe ni Kris kay Leviste.