Bibida ang Kapamilya actress na si Janella Salvador at Thai actor na si Win Metawin sa isang upcoming movie na “Under Parallel Skies.” 

Sa isang Instagram video na pinost ng 28 Squared Studios, isang production company na pagmamay-ari ni TV host-actor Richard Juan, masayang inanunsyo nina Janella at Win ang paparating nilang movie.

“We are so excited to announce to you guys that we will be teaming up for the upcoming movie ‘Under Parallel Skies’,” saad ni Win sa video.

Sinabi naman ni Janella na si award-winning Filipino director Sigrid Bernardo ang magiging direktor ng pagbibidahan nilang pelikula.

72 PDL's ng Manila City Jail, naka-enrol sa PUP Open University

“We are very, very excited to share this with you very soon,” ani Janella.

Sumikat si Win, hindi lamang sa Thailand kundi maging sa ibang bansa, sa pamamagitan ng hit Thai series na “2gether: The Series” noong 2020 at “F4 Thailand: Boys Over Flowers” ​​noong 2021. 

Samantala, huling bumida si Janella sa hit series na “The Killer Bride” noong 2019 at “Darna” noon lamang nakaraang taon, kung saan gumanap siya bilang Valentina.