Aminado ang misis ni "Parokya ni Edgar" lead vocalist Chito Miranda na si Neri Naig-Miranda na fan siya ng Broadway Diva at international singer-actress na si Lea Salonga, na nasa gitna ngayon ng kontrobersiya dahil sa ipinakalat na video ng isang fan, na nagpunta sa dressing room niya upang magpa-picture.

Makikita sa video na pinagsabihan muna ni Lea ang fans na "sumugod" sa kaniya at sinabing hindi sila dapat pumapasok sa loob ng dressing room dahil wala sila sa guest list, at "for security purposes."

Pinagbigyan naman sila ni Lea pero sa ibang spot nga lang sila nagpunta.

Pagkatapos nito, nag-post ang kumukuha ng video at naglitanya nang mahaba tungkol sa insidente.

Lea Salonga: 'I have boundaries, do not cross them'

Bagay na pinalagan naman ni Lea sa simpleng tweets na kaniyang pinakawalan.

Mababasa sa verified Facebook account ni Neri ang kaniyang testimonya kung gaano kagiliw si Lea pagdating sa fans na nagpapa-picture sa kaniya, basta nasa tamang lugar, panahon, at sitwasyon.

"I LOVE LEA SALONGA," entrada sa post ni Neri.

"Grabe pagka-fan ko kay Lea Salonga. Lahat ata ng nakakakilala sa akin personally, maka-Lea talaga ako."

"Nung nanood kami ng concert n'ya at sinama ako ng asawa ko. Nagkaroon kami ng chance na magpapicture sa kanya. Pero hindi kami pumunta sa dressing room nya. Naghintay kami sa gilid ng stage, waiting for her na magpalit ng casual attire kase naka gown sya nun."

"Kahit kakilala ni Chito si Ms Lea, never syang nag insist na pumasok kami sa dressing room nya. Or kinulit si Sir Gerard Salonga na papasukin kami sa dressing room ng kapatid nya. Naghintay kami kasama ng iba pang gustong magpapicture kay Ms Lea."

"Pagkalabas naman nya, inisa-isa nya lahat ng gustong magpapicture sa kanya. And hindi lahat ng andun ay artista or producers, lahat ng andun mga fans na nanood ng concert nya na naghihintay ng turn na makapagpapicture sa nag iisang Lea Salonga."

"Let us all be nice ❤️," paalala pa ni Neri.

Noong Agosto 30, 2019 naman, nag-post si Neri kung gaano siya kasaya nang makasama in one frame ang nag-iisang Lea Salonga.

"Dalawang beses akong niyakap ni Ms. Lea!!!!!! Grabe! Feeling ko magbff na kami! Tapos pupunta siya sa bahay tapos paglulutuan ko siya ng lahat ng gusto niya tapos magkukwentuhan kami tapos magjo-joke ako tapos tawang tawa siya sa joke ko. May senaryo na di ba? Bwahaha!"

"National artist. Living legend. National gem. Hero. Ano pa ba? Napakahusay! Mas lalo kang magiging proud to be Pinoy dahil kay Ms. Lea Salonga. Maraming salamat po. Marami po kayong Pilipino na napapasaya lalo na po sa inyong talento."

"Yan lang pinakamatino kong picture kase nanginginig ako, hahaha!" anang Neri sa kaniyang Facebook post.