Naka-iintrigang “blind item” ang pinag-usapan ng talk show host na si Cristy Fermin at ng kaniyang co-hosts na sina Romel Chika at Wendell Alvarez tungkol sa isang male personality na tila ginawang “matrona” at “palabigasan” umano ang kaniyang kasintahan.

Sa latest YouTube video na Showbiz Now Na nitong Lunes, Hulyo 17, bukod sa mga usaping showbiz, huling napag-usapan ng mga naturang hosts ay ang kanilang pa-”blind item.”

Sinimulan ni Wendell ang chikahan sa pagsabing isang male personality ang tampok sa kanilang naturang blind item.

Hindi niya naman matukoy kung tuluyan na rin bang papasukin nito ang showbiz dahil sikat at kilala na ito sa kaniyang larangan.

National

PBBM sa National Teacher's Day: 'I wish you a joyful and productive celebration'

Hirit pang chika ni Wendell, kamakailan lang ay naging kontrobersyal ang kanilang relasyon ng kaniyang kasintahan sa publiko.

Sa kabila nito, tila nasanay daw ang male personality na laging nakatatanggap ng regalo mula sa kaniyang mga sponsor.

Itinanong naman ni Cristy kung humuhugot naman daw ba ang male personality kapag may bakasyon silang magkasintahan.

“So, ibig mong sabihin kapag lumalabas sila at nagbabakasyon na ipinapakita nila, ipinopost nila, hindi siya humuhugot man lang?” tanong ni Cristy.

“Ay hindi. ‘Yong karelasyon niya ang nagbibigay. May trabaho kasi ang girl eh. Pero siya may trabaho naman siya pero hindi naman siguro sapat ‘yong ano…,” sagot ni Wendell.

Pansin naman ni Romel na masaya na ngayon ‘yong girl dahil malaki na raw ‘yong tinipid nito.

Inihalintulad pa ni Wendell sa palabigasan ang umano’y naging trato ng male personality sa kaniyang kasintahan.

Sa huli, chika pa niya na laking pasasalamat daw siguro ngayon ng kaniyang kasintahan dahil wala na sila at malaking tipid na umano ang magagawa nito.

Sa kabilang banda, ginamit nila ang tawag sa mga bansa upang kumpletuhin ang una hanggang huling letra ng pangalan ng male personality.