Maraming nakapansing tila bumalik na ang dating pangangatawan ni Optimum Star Claudine Barretto nang mag-host siya ng 38th PMPC Star Awards for Movies nitong Linggo ng gabi, Hulyo 16, 2023, sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

Kasama ni Claudine bilang hosts sina Sunshine Cruz, Christian Bautista, at Alfred Vargas.

Si Claudine pa nga ang hinirang na "Female Star of the Night" habang ang mga kasama niyang hosts ay nakatanggap din ng special awards.

Sa dalawang magkaibang gowns ni Claudine ay maraming nakapansing slimmer na siya ngayon, na parang katawan daw niya noong prime years niya. Makikita rin ang kaniyang mga litrato sa kaniyang Instagram posts.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Nawa raw ay magbalik-teleserye na si Clau na namimiss na rin sa pag-arte sa telebisyon ng kaniyang fans.

Nagbalik-pelikula naman si Claudine para sa "Loyalista" na biopic movie ni singer-public servant Imelda Papin.