May birthday message si "Daddy" Bobby Ray Parks Jr. sa anak ni Zeinab Harake na si Lucas. 

"Happy birthday to my young king @lucas.harake. You are such a blessing, and I’m truly proud of you. I'm excited to see and be a part of your bright future. Love, Daddy Ray," saad ni Parks sa kaniyang Instagram post nitong Martes, Hulyo 18.

Nagpasalamat naman si Lucas sa kaniyang "Daddy Ray." 

"Thank you daddy ray i love you," saad nito sa comment section. 

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Syempre, hindi rin nagpahuli si Zeinab, "i love you both so so much."

Matatandaang bungad sa Father's Day message ni Zeinab para kay Parks, sinabi nito na "nagpapakatatay" ang basketball player.

“Happy father’s day din sa partner kong nagpapakatatay para sa akin thank you @ray1parks,” saad ni Zeinab.

“Sa mundong meron ako sa dami ng dinadala ko hindi puwedeng hindi ako baby minsan at salamat sa Diyos dahil binigyan Niya ako ng partner na hindi na papasakitin yung ulo ko sa mga walang kuwentang bagay at magpapaunawa sa akin ng mga dapat kong gawin.”

“Best father ka sa dog mo kay (RJ) at sa akin alam ko soon sa future kids mo kasi mabuti kang lalaki at may paninindigan ka sa buhay,” dagdag pa.

Maki-Balita: Zeinab ‘daddy’ si Bobby Ray: ‘Salamat sa Diyos, may partner akong di pasasakitin ulo ko!’