Inihayag ng isa sa It's Showtime hosts na si Amy Perez-Castillo o mas kilalang “Tyang Amy” sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” na masaya siya sa gitna ng bakbakan ng noontime shows sa kasalukuyan.

Sa panayam kay Tyang Amy, napag-usapan nila ni Tito Boy ang tungkol sa kakumpetensiyang noontime shows na Eat Bulaga at ang E.A.T ng TVJ.

Itinanong sa kaniya ni Tito Boy kung ano ang kaniyang pananaw sa naturang kompetisyon.

“Competition is really exciting, ano ang iyong pananaw?” tanong ni Tito Boy.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Direkta naman itong sinagot ni Tyang Amy.

“Very happy because it’s healthy, ‘yong industriya natin sa telebisyon is back,” aniya.

Ayon pa kay Tyang Amy, dahil sa pangyayaring iyon ay maraming nabigyan ng trabaho at nakabubuti pa sa lahat.

“‘Di ba lahat may trabaho, mapa-harap ng camera, likod ng camera, utility, lahat may trabaho and it’s good for everybody,” dagdag pa niya.

Sa huli, may hirit pa si Tyang Amy kaugnay sa kaniyang pagtatrabaho sa It’s Showtime.

“Nakakabata ang Showtime,” huling sey ni Tyang Amy sa nasabing topic.

Napanonood si Tyang Amy at iba pang hosts sa noontime show na “It’s Showtime” simula Lunes hanggang Sabado sa Kapamilya Channel, Jeepney TV, A2Z at GTV, sister channel ng GMA Network.