Walang pag-aatubiling ibinunyag ng isa sa It's Showtime hosts na si Amy Perez-Castillo o mas kilalang “Tyang Amy” sa kaniyang interview sa “Fast Talk with Boy Abunda,” na sa unang asawa naramdaman ang pinaka-lowest ng kaniyang buhay.

Napag-usapan nila ni Tito Boy kung naniniwala ba raw siya sa langit at kung sa paanong paraan makapupunta roon.

“If you believe in heaven, if there is heaven for you, how do you get there?” tanong ni Tito Boy.

Direkta naman itong sinagot ni Tyang Amy.

Amy Perez, sinabing masaya sa kabila ng bakbakan ng noontime shows

“Ako Tito Boy, sa dami ng pinagdaanan ko, there was a point in my life na I was ready to give-up life,” aniya.

“Anong ibig mong sabihin?” pasundot pang tanong ni Tito Boy.

“There was a time nang buhay ko na parang sunod-sunod ‘yong challenges, , sunod-sunod ‘yong problems ‘di ba. I wanted to quit work, I wanted to quit life, I just wanted, wala, wala akong gustong gawin sa buhay,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, ibinahagi niya na ang naranasang pinaka-lowest ng kaniyang buhay.

“‘Yong marriage ko for my first husband was really the pinaka… pinaka-lowest ko, pinakamahirap kong natanggap sa buong buhay ko. And dumating ako roon sa time na, sunurender ko na lahat kay Lord, I said, okay, ayaw ko na, wala na, and then He gave me Carlo, and that was the time na nakilala ko siya,” ani Tyang Amy.

“And I realize that ‘pag nagpi-pray ka pala, lahat ng pinagdarasal mo, kahit na paulit-ulit mo siyang pinagdarasal, hindi ka napapagod, and you have a relationship, and you tell God, hindi ko na kaya ‘to bilang tao, and you pray, ibibigay niya,” dagdag pa niya.

Sa huli, naniniwala umano si Tyang Amy na marahil sa pangyayaring iyon ay magkakaroon siya ng espesyal na puwang sa kalangitan.

“And I think somehow, that will give me a special place in heaven,” huling sey ni Tyang Amy sa nasabing topic.

Samantala, may sey rin si Tyang Amy sa kaniyang pananaw tungkol sa bakbakan ng noontime shows.