Kahit umani ng batikos ang Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) dahil sa kontrobersyal na bagong logo nito na nagkakahalaga ng ₱3 milyon, hindi pa rin natinag ang chairman at chief executive officer ng ahensya na si Alejandro Tengco.

National

Robin Padilla, kinampanya si Donald Trump: ‘Only Trump can save the world from war’

"I will be honest with you. I am not affected at all. We made a good decision and ‘yung decision na iyon ay paninindigan namin. That is a management prerogative, kaya palagay ko naman merong managament prerogative kami at iyon po ay ipinakikiusap namin na igalang naman because we also have done so many things that have not been highlighted," reaksyon ni Tengco nang kapanayamin ng mga mamamahayag sa Clark, Pampanga nitong Lunes.

Matatandaang binatikos ng mga netizen ang bagong logo at sinabing kinopya lang ito sa website na "Tripper" na kaagad namang itinanggi ng PAGCOR.

Ipinagtanggol din ni Tengco ang nasabing presyo ng kontrata sa paggawa ng logo.

“There are so many other deliverables na ipagkakaloob ng designer tulad po ng mga manual. ‘Di naman po basta ‘yan gumawa ng logo, tapos na po. Meron po ‘yan mga manuals. Mali ‘yung pag-iisip na ‘yung tatlong milyon para sa logo lang. Merong mga aral na ginawa at maraming gamit din ang kailangan pa asikasuhin ‘yung designer,' dagdag pa ng opisyal.

Dahil na rin sa usapin, hiniling ng mga kongresista na imbestigahan ito ng mga mambabatas upang madetermina kung nagkaroon ng korapsyon.