Usap-usapan ngayon ang panayam ni Unkabogable Star Vice Ganda kay Kapamilya star Andrea Brillantes, sa kaniyang YouTube channel.

Umikot ang mga tanong ni Vice kay Blythe hinggil sa pangungumusta sa kaniya, at kung ano-ano ba ang mga katangian ng isang kagaya nitong Gen Z.

Nakakaloka ang isa sa mga tanong ni Vice kung ayaw na ba ni Andrea sa isang basketball player.

"Beshy, ayaw mo na sa basketball player?" diretsahang usisa ni Meme.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

"Ayaw ko na muna sa kahit na sino," diretsong sagot din ni Blythe.

"Kasi baka malay mo the one for me talaga is matinong basketball player, pero ngayon hindi talaga. Wala muna," pahayag pa ng aktres.

Sundot naman ni Vice, ganoon daw talaga kapag "bagets" pa dahil nasa immature stage pa.

"Bakit hindi ka jumowa ng coach... manager, o kaya commissioner ng PBA (tawa), para medyo mature na siya..." hirit pa ng komedyante na ikinatawa rin ni Blythe.

Matatandaang ang latest ex-boyfriend ni Andrea ay si Ricci Rivero na isang basketball player.

Hindi naging maganda ang paghihiwalay ng dalawa dahil sa isyu ng mga hindi pagkakaunawaan, at sa isyu ng isang babaeng naabutan umano ni Andrea sa condo unit ni Ricci.

Habang isinusulat ang balitang ito ay trending #2 na sa YouTube channel ang panayam ni Vice kay Andrea.