Napa-yes ng Kapuso actor na si Jeric Gonzales ang kaniyang kasintahang si Rabiya Mateo bilang ka-date sa inaabangang “GMA Gala.”

Sa Instagram post ni Jeric nitong Linggo, Hulyo 16, makikita sa video ang hawak niyang bouquet of flowers at handmade na banner bilang sorpresa kay Rabiya para sa nasabing Gala event.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

View this post on Instagram

A post shared by Jeric Gonzales (@jericgonzales07)

Kilig overload at hindi naman makapaniwala si Rabiya kaya’t mapapansin sa kaniya na tila hindi alam ang gagawin sa ginawang “date proposal” ng kaniyang kasintahan.

“She said Yes!!! Thank you sa pagpayag na maging date ko on GMA Gala, I love you @rabiyamateo 💜,” mababasang caption sa kaniyang Instagram post.

Humirit pa ang aktor na nakabawi na raw siya sa ginawang sorpresa rin ni Rabiya noon sa kaniya.

“Nakabawi din sa surprise with cartolina 😈,” aniya.

“Will you be my GMA Gala date Rabiya?” naman ang mababasa sa ginawang handmade banner ng aktor.

Mapanonood ang “GMA Gala 2023” sa opisyal na Facebook, YouTube at TikTok accounts ng Sparkle na gaganapin sa ika-5 ng hapon ng Hulyo 22, 2023.