Malugod na pinasalamatan ni Manila Mayor Honey Lacuna si Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos, Jr. dahil sa ginawa nitong pagprayoridad sa Maynila sa housing programs ng administrasyon.

Ang pasasalamat sa pangulo ay ginawa ni Lacuna sa paglagda sa memorandum of agreement (MOA) sa pagitan ng City of Manila at ng RS Realty Concepts Developers, Inc..

Sa kaniyang maiksing mensahe, sinabi ni Lacuna, na sa ngalan ng pamahalaang lungsod ng Maynila at mga residente nito, ay labis siyang nagpapasalamat kay Pangulong Marcos Jr. dahil sa ginawa nitong pagprayoridad sa Maynila na mapagkalooban ng disenteng tirahan, lalo na ng mga higit na nangangailangan nito.

Kaugnay nito, inatasan din ng alkalde si Ang na ayusin ang mechanics para sa programa pati na ang arrangements na ginawa sa developer, city government at PAG-IBIG.

Metro

Nakolektang mga basura sa sementeryo sa Maynila, mas mababa ngayong taon

Nabatid na inatasan na ang pamahalaang lungsod ng Maynila na alamin ang mga posibleng recipients ng 7,500 units na readily available na at mapapasakanila pagkatapos ng 30 taon.

Ayon pa kay Lacuna, ang housing project ay ipagkakaloob sa murang halaga lamang.

Mayroon din aniya itong community mall playground at malawak na open areas.

"Lagi nila iniisip ang pangangailang an ng bawat Pilipino...sana ay marami pang ganito sa lungsod," pahayag pa niya sa desisyon ni Pang. Marcos na unahin ang Maynila sa nasabing housing project.

Dagdag pa nito: "Ito po ay para sa inyo.. bahagi ng inyong pangarap na ating nabigyang katuparan."

Bukod kay Lacuna, ang naturang signing ceremony ay pinangunahan din nina Vice Mayor Yul Servo, City Administrator Bernie Ang at Secretary to the Mayor Marlon Lacson, para sa bahagi city government, kasama ang pangulo ng RS Realty Concepts president na si William Russel Scheirman, Jr. at legal counsel Atty. John Henry Pascual.

Sinaksihan din naman ng mga kinatawan ng PAG-IBIG ang seremonya.