Kinakiligan ng mga netizen ang birthday message ng beauty queen-actress na si Precious Lara Quigaman-Alcaraz sa kaniyang mister na si Marco Alcaraz, na kamakailan lamang ay nagdiwang ng kaniyang kaarawan noong Hulyo 12, 2023.

Kalakip ng Instagram post ni Lara ang sweet photos nila ng 40-anyos na mister, sa iba-iba nitong looks.

Kaya mababasa sa mensahe ni Lara, "Maligayang kaarawan asawa ko, mahal na mahal kita... sa init at lamig, gising ka man o tulog, black hair ka man o blond, may bigote o wala, hubad o balot - ikaw pa rin ang pipiliin ko @marcoalcaraz."

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Na-touch hindi lamang si Marco kundi maging ang kapwa celebrities at maging netizens sa mensahe ni Lara para sa kaniyang mister.

Nagkaroon ng sikretong civil wedding sa Vancouver, Canada noong Enero 1, 2011 ang dalawa at muli silang nagpakasal sa simbahan noong Hulyo 8, 2012 na idinaos naman sa Silang, Cavite.

Kuwento ni Lara, buntis na siya ng limang buwan noong pangalawang kasal nila ni Marco, subalit hindi raw nahalata sa wedding gown na suot niya, kudos daw sa kaniyang wedding dress designer na si Veejay Floresca.