Inihayag ni Kapamilya star Andrea Brillantes na wala siyang balak na magsauli o magbawi ng mga regalo sa kaniyang ex-boyfriend.

Sa isang ">Youtube video ni Unkabogable Phenomenal Star Vice Ganda kasama si Andrea, isa sa mga pinag-usapan nila ay ang tungkol sa saulian ng regalo sa karelasyon matapos ang breakup.

“Since ikaw ‘yung tipo ng girlfriend na nagbibigay sa jowa, nagsauli ka ba ng mga gift?” tanong ni Vice kay Andrea.

“Hindi. Sentimental po kasi ako eh,” agad namang sagot ni Andrea. 

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

Bagama’t hindi raw siya nagsasauli ng gifts sa ex, may isang regalo naman daw siyang natanggap na nais na niyang “isanla” dahil hindi na niya nakikita ang kaniyang sariling susuotin pa ito.

Nang tanungin naman ni Vice kung bakit hindi na lang niya ito isauli gaya ng ginagawa ng iba, sagot ni Andrea:

“Ay, magkakapera pa ako doon kung ibebenta ko. May pang-shopping pa ako, ba’t ko pa isasauli sa kaniya? Eh ang gagawin lang naman niya, ibibigay niya lang din naman sa iba ‘yun eh.”

Sundot pa ni Vice: “Wala namang ni-require na sauli? Kasi 'yung iba di ba, kunyari, ‘since hindi naman na tayo, baka pwedeng ibalik na lang natin ‘yung [gifts]?’ Walang ganon?”

“Kasi meme kapag kinuha ko kasi lahat ng binigay ko sa kaniya, wala na siyang gamit sa condo niya,” biglang spill naman ng aktres, bagay na halatang ikinabigla ng unkabogable star.

“Oh my god, napapa-brush ako talaga. Mukhang malalagas talaga ‘tong blonde hair ko,” biglang bulalas ni Vice.

Samantala, ayon pa kay Andrea, hindi siya nagsasauli ng mga regalo na binigay ng kaniyang ex lalo na raw kung nagpapaalala ito ng magandang memories.

“Saka kahit pangit naman ‘yung memory, eh kung cute na cute ‘yung bag, gusto ko, iki-keep ko di ba?” saad pa ng aktres.

Sa past relationship, mga nahiram lang daw ni Andrea na mga “jacket” ang kaniyang naisauli pagkatapos ng breakup.

Bukod naman sa isyu ng sulian ng gifts, kasama rin sa mga napagkuwentuhan ng dalawa ay ang usapin ng cancel culture, maging ang tanong ni Vice kung ayaw na ba ni Andrea sa isang basketball player at kung confrontational ba ito pagdating sa usapin ng “third-party.”

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, hindi sang-ayon sa ‘cancel-culture’ ng Gen Z

MAKI-BALITA: Tanong ni Vice Ganda kay Andrea: ‘Ayaw mo na sa basketball player?’

MAKI-BALITA: Andrea Brillantes, aminadong ‘confrontational’ sa third-party: ‘Lagi akong tama!’