Nasawi umano ang pitong indibidwal matapos gumuho ang limang palapag na gusali sa Cairo, Egypt nitong Lunes, Hulyo 17.

Sa ulat ng Xinhua, bukod sa pitong nasawi ay isa rin umano ang nasugatan dahil sa pagguho ng naturang gusali.

Iniulat naman ng state-run Ahram website, na isang babae rin ang nawawala at hinahanap na ng rescue teams sa ilalim ng pinagguhuan ng gusali.

Samantala, inilikas umano ang mga nasa dalawang katabing gusali habang sinisiguro pa ang kanilang kaligtasan.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Isang araw bago ang naturang insidente, gumuho umano ang dalawang gusali sa Alexandria at Beheira governorates sa hilagang Egypt, dahilan ng pagkasawi ng limang tao at pagkasugat ng 11 iba pa.