Ikinuwento ng actress-singer na si Sunshine Cruz sa kaniyang interview kay Karen Davila, na never niyang tinuruan ang mga anak na magalit sa kanilang tatay na si Cesar Montano.

Nausisa ang aktres kung bakit muling nakasama ng mga anak ang kanilang ama.

Direkta naman itong sinagot ni Sunshine.

“Noong na-covid si Cesar, almost na-intubate ‘yan e. After that, I don’t know, siguro talagang darating sa ganoon Miss Karen,” aniya.

Eleksyon

Kabataan Party-list, itutulak pagpapatalsik kay VP Sara

“Naging closer sila ng mga anak ko, and everytime that they will go out, lalabas, magdi-dinner, nakikita ko kung gaano kasaya ang mga anak ko everytime na kasama ang tatay nila. Papasok agad sa kwarto ko iyang mga ‘yan, ikukwento nila kung anong activities nila with Cesar, with their little siblings, with Cath, iyong partner ngayon ni Cesar at nakikita ko kung gaano kagalak ang puso ng mga anak ko, dagdag pa niya.

Ibinahagi pa ng aktres na noon pa raw ay willing na siyang makipag-ayos o maging civil man lang kay Cesar para sa kanilang mga anak.

“So ako naman, kahit naman before, willing naman ako eh, na parang pwede namang maging civil man lang tayo for the kids,” ani Sunshine.

Sa huli, sinabi pa ni Sunshine na kahit kailan ay hindi niya nagawang turuan ang mga anak na magalit sa kanilang tatay.

“Kasi mahal naman ng mga anak ko si Cesar talaga at never ko tinuruan ang mga anak ko na magalit sa tatay nila kasi that’s unfair. Kung ano iyong issue namin ni Cesar, tayo lang,” huling sey ni Sunshine sa nasabing topic.

Sina Angelina Isabelle, Samantha Angeline at Angel Francheska naman ang mga anak ni Sunshine sa dating mister na si Cesar.