Tila masama pala ang pakiramdam ngayon ni Megastar Sharon Cuneta kaya hindi muna siya nakakapag-shooting ng pelikula nila ng bagong "anak-anakan" na si Pambansang Bae at Kapuso star Alden Richards, na kalahok sa darating na Metro Manila Film Festival 2023 sa Pasko.

Ayon kay Mega sa kaniyang Instagram post, pinagpapahinga siya ng doktor at pinapaiwas na huwag muna siyang magsalita.

Ito raw ang dahilan kung bakit halos wala siyang boses at pumiyok pa nang umawit ng "Bituing Walang Ningning" sa grand launch ng "E.A.T.," ang bagong noontime show ng TVJ sa TV5, noong Hulyo 1.

"Went to my doctor in St. Luke’s BGC yesterday. She inserted a camera into my nose and mouth. Sobrang clogged daw ang ilong ko and my throat is so swollen and papunta nang infection kaya ang dami kong gamot ngayon. Nasanay na lang daw ako sa feeling ng barado ang ilong at masama ang lagay ng throat kaya di ko na narerealize pag ganon (!)."

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

"Haaaay…Kasi init/ulan lagi sa shooting namin. Before my guesting sa e.a.t. TVJ, weird na ang throat ko at naapektuhan na at sinabi ko na sa shooting yon isang gabi. Kaya pala wala akong boses sa e.a.t. nung nirequest doon na kantahin ko bigla ang part ng 'Bituing Walang Ningning…' Dapat pala hiningi ko magbalot ng boses!"

"Sinabi ng doc ko kailangan ko daw i-rest ang voice ko ng one week… Bukod daw sa fatigue, stress-induced daw. Kaya isang malaking “tenk yu” sa mga nagbibigay sa akin ng stress pinasaDios ko na kayo! May acid reflux pa ako susmaryosep…"

"Haaaay naman miss na miss ko na ang set namin at mga kasama ko doon mula kay Direk Nuel @directfromncn hanggang kay @jackielou.blanco at siempre ang anak kong mahal na mahal ko at mahal na mahal ako! @aldenrichards02," mababasa sa post ni Mega.

Sa isa pang Instagram post, ibinahagi ni Mega ang sweetness ni Alden matapos siya nitong kumustahin.

http://