Usap-usapan ang naging sagot ng basketball player-actor na si Ricci Rivero nang tanungin siya ni dating Manila City mayor, presidential candidate, at ngayon ay "Eat Bulaga!" host Isko Moreno kung ano-ano ba ang mga hinahanap niyang katangian sa isang babae.

Ayon kay Ricci, ang mga katangian ng isang babaeng hanap niya ay matured, family-oriented, at may takot sa Diyos.

Pagdating naman sa pisikal, simple ang isinagot ng ex-boyfriend ni Kapamilya star Andrea Brillantes.

"Hayun... tama importante 'yon," tila pagsang-ayon naman ni "Yorme."

Ricci, ayaw nang basagin ispluk ni Andrea, DJ JhaiHo: 'Nakapag-judge na kayo eh!'

Sa TikTok ng "Iskovery Nights" ay umani naman ito ng iba't ibang reaksiyon at komento. Marami ang napapatanong na netizens kung ano kaya ang masasabi rito ni Andrea.

"What da? Hahaha."

"Blythe left the group."

"Kaya pala..."

"It's either dinescribe ang ex, o sinabi ang mga katangian na wala sa ex. Pili na lang kayo!"

"Sana lang ganun din siya hahaha."

"Talaga ba, Ricci?"

"Alam na HAHAHAHA."

Matatandaang kamakailan lamang ay naging usap-usapan ang naging pasabog ni Andrea sa kaniyang bersyon ng kanilang pinag-awayan ni Ricci, na nagdulot naman ng kanilang hiwalayan.

Sey naman ni DJ JhaiHo, nang sinubukan niyang hingin ang panig ng basketbolista/aktor hinggil sa isyu, sinabi raw nitong huwag na dahil "nakapag-judge" na sila.