Wala umanong mangyayaring public apology mula sa kampo ng dating sexy star na si Sabrina M.

Iyan mismo ay nagmula sa kaniya, ayon sa ulat ng PEP, na mula naman sa ipinadalang mensahe ng aktres sa kanila.

Pinaninindigan ni Sabrina na nagkaroon umano sila ng relasyon ng pumanaw na aktor na si Rico Yan, na naisiwalat niya sa press conference ng pelikulang "Manang" kamakailan.

Hindi umano titiklop si Sabrina M kahit nagbantang magdedemanda ang ex-girlfriend ni Rico na si Claudine Barretto; nagbigay pa ng tatlong araw na ultimatum ang legal counsel nitong si Atty. Ferdinand Topacio na kailangan niyang mag-sorry sa publiko, kundi ay tutuluyan na siya.

'Baka nagkatikiman lang!' Sabrina M hindi naging ex si Rico Yan, sey ni Katrina Paula

Sabi umano ni Sabrina sa isang mensahe, wala raw public apology na magaganap. Pinayuhan na rin siya ng kaniyang abogado na huwag nang magkomento sa isyu.

Kung may isasampa mang kaso, tila sinasabi raw ni Sabrina M na "go ahead" dahil karapatan daw nila iyon.

Sa isa pang ulat, tila may pahiwatig naman si Sabrina na may kakasuhan din siya dahil may nirereview na raw silang YouTube videos na puwedeng "masampolan."

Sa "Cristy Ferminute" ay nakapanayam ang kaibigan ni Sabrina na si Katrina Paula, at pinabulaanan nitong nagkaroon ng relasyon ang kaibigan kay Rico.

"Baka nagkatikiman" lamang daw ang dalawa, giit pa ni Katrina.

Pinayuhan naman ni Ogie Diaz si Sabrina na "ipahinga" na lamang ang kaniyang ideya.

https://balita.net.ph/2023/07/12/forda-promotion-sabrina-m-bakit-daw-nag-iilusyong-naging-sila-ni-rico-yan/