Buong tapang na sinagot ng Kapamilya actress na si Ria Atayde sa kanilang press conference ng teleseryeng "Nag-aapoy na Damdamin," ang katanungang may kinalaman sa kaniyang pangangatawan.

Inusisa ni Ogie Diaz sa aktres kung kuntento na raw ba siya sa kaniyang katawan.

Direkta naman itong sinagot ni Ria.

“To answer your question Mama Ogs, hindi naman talaga choice to stay on a heavier side, I do have medical conditions, like underlying conditions that make it harder for me to lose weights, so even if I do workout as much as I want to or even if I change my diet it’s a little bit harder for me talaga,” aniya.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

“I mean, I have no gallbladder, I have hyperthyroidism, I have PCOS, so parang nagpatong-patong lahat, sige go lang, give me more, charot!” dagdag pa niya.

Sa kabila nito, tila laban na laban pang sinabi ni Ria na wapakels na siya sa mga nega dahil sino nga raw ba sila sa kaniyang buhay.

“You know, it’s not like an a choice to stay on a heavier side but it is something that I work-on for myself not to please anybody and I think that’s why mas okay rin ako kasi wala na ako roon sa point na kailangan ko mag-adjust para tanggapin nila ako kasi ako tanggap ko na ang sarili ko and the people that matter to me accept me and embrace me for how I look even, so bakit ako magpaapekto sa nega, sino ba sila, who you there!” huling sey ni Ria sa nasabing topic.

Kasama ni Ria, sila Tony Labrusca, JC De Vera at Jane Oineza na mga bibida sa teleseryeng “Nag-aapoy Na Damdamin” na kolaborasyon ng ABS-CBN Entertainment at TV5 na ipalalabas sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, iWantTFC, TFC, A2Z, at TV5 sa Hulyo 25, 2023.